Tuesday, September 21, 2010
Kagabi naka-chat ko clasmate ko dati nung high school, si James. Huli kaming nagkita noong graduation day, kung hini ako nagkakamali. Tagal na rin pala. Kwentuhan at tanungan tungkol sa mga dating schoolmates nagging tema ng chat naming. Sa kalagitnaan ng usapan, nasabi ko sa kanyang, “Masaya ako to know you are happy with your chosen career.” Napansin ko kasing marami na sa mga kaibagan at dati kong kaklase ang enjoy na sa kani-kanilang fields ngayon. Gusto kasi nila ginagawa nila. Pero sabi ni James sa akin, “Eh, hindi naman talaga ito ang gusto kong career eh.” Nagulat ako. Tanong ko tuloy sa kanya, “Ano pala gusto mong career?” “Pag-aartista”, sagot niya. Napabunghalit ako ng tawa sa sinabi niya. Si james talaga, napaka-joker pa rin. Ngunit may napansin ako sa kanya na kahit wala siya sa original chosen career niya ay masaya siya. Kahit na sa chat lang, narandaman kong may galak sa puso niya sa ginagawa niya sa buhay. Isa ito sa mga mahahalagang bagay na nagbibigay saysay sa buhay natin. “Saya.” And bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang nais sa buhay. Ibat-ibang tawag mayroon sa buhay. May ang tawag ay maging doctor, abogado, teacher, call center agent, sales representative, I.T. expert, magsasaka, tindero, chemist, estufyante, businessman at kung anu-ano pa. ngunit lahat ng sila, tayo ay may iisang tawag kung saan ang lahat ay inaasahang tumugon. Ito ang tawag sa “pagsuod.” Tayong lahat ay tinatawag para maging taga-sunod ni Kristo. Si Pedro, Santiago, Juan at iba pang apostoles ni Kristo ay tinawag upang maghatid ng iba pa sa Kaharian ng Diyos. Hindi kailangang iwan ni Dr. Ragos ang kanyang pagiging dokto upang tumugon sa tawag na ito ni Kristo. Sa halip ay maaari pa nga niyang gamitin ang kanyang profession sa pag-tugon sa tawag. Pero may ilan naman na piniling maging-fulltime sa pag-tugon tulad na lamang ng mga pari at madre. Sa dulo ang mahalaga ay masaya ka sa kung ano man ang piliin mong buhay. Huwag din nating kalimutan ang tawag ni Kristong maging tagasunod niya sa kahit na paanong paraan. Ako kaya, gaano kaya ako kasaya sa uri ng buhay na mayroon ako ngyon? Sapat na kaya ang pag-tugon sa tawag Niya? Nakakpaghatid kaya ako ng kapwa ko patungo sa Kanya?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment